Ang Hukuman sa Pangangalaga ay isang legal na Hukuman. Gumagawa ito ng pasiya na may kinalaman sa paghirang ng mga tagapag-alaga at manedyer pampinansiyal, o may kinalaman sa pahintulot na medikal at dental, para sa mga taong may kapansanan na may edad 16 at higit na walang kakayahang gumawa ng kanilang sariling pasiya. Ang Hukuman ay maaari ding magbigay ng iba't ibang kautusan.
Ang Hukuman sa Pangangalaga ay naglalathala ng impormasyon sa inyong wika. Piliin ang lathalaing nais ninyong basahin. Ang mga lathalaing ito ay makukuha lamang sa PDF files. Kailangan ninyo ng Adobe Acrobat Reader upang basahin ang mga lathalaing ito.
Maaari ninyong gamitin nang walang bayad ang Acrobat PDF Reader mula sa Adobe.
Kung hindi ninyo nakuha ang kailangan ninyong impormasyon mula sa pahinang ito, maaaring maghanda ang Hukuman sa Pangangalaga ng isang tagapagsalin para sa inyo.
Tawagan lamang ang Hukuman sa (02) 9555 8500 para sa mga detalye.
Ano ang ginagawa ng Hukuman sa Pangangalaga?